Umuwi na sa Pilipinas ang P-pop group na BINI matapos ang Australia at New Zealand leg ng kanilang 2026 world tour.
Nagtanghal ang walong miyembro sa Melbourne at Auckland kung saan mainit silang sinalubong ng mga Filipino at international Blooms.
Ayon sa mga miyembro ng grupo, naging memorable ang tour dahil sa pagkakataong makasama ang kanilang mga tagahanga at mamasyal sa dalawang bansa, kahit nahirapan sila sa malamig na panahon sa Australia.
Unang beses din ng BINI na magtanghal sa Melbourne at Auckland.
Naghahanda na ngayon ang grupo para sa Asian leg ng kanilang tour, kabilang ang pagbabalik sa Singapore at unang pagtanghal ng walong miyembro sa Taiwan.
Samantala, sinabi ni Jhoanna na sunod-sunod pa rin ang kanilang mga proyekto at schedule sa Pilipinas at ibang bansa hanggang sa pagtatapos ng taon.











