--Ads--

Nagsumite ang BINI ng tatlong entries para mapabilang sa 2027 Grammy Awards, sa hangaring makilala sa pandaigdigang entablado ang musikang Pilipino.

Kabilang sa mga isinumite ang kantang “Unang Kilig” para sa Best Asian Pop Music Performance, “A Parallel World” para sa Best Song Written for Visual Media, at ang grupo para sa Best New Artist.

Gayunman, hindi pa nangangahulugan ang pagsusumite na opisyal nang nominado ang BINI sa nasabing parangal.

Nakatakdang ihayag ang mga opisyal na nominado sa Nobyembre 16, habang gaganapin ang 2027 Grammy Awards sa Pebrero 7 sa Los Angeles, California.

--Ads--