--Ads--
Iginiit ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na nakatanggap umano ng P150 milyon ang foundation ni Vice President Sara Duterte mula sa Embassy of the People’s Republic of China.
Ayon kay Trillanes, kabilang umano sa mga natanggap ng foundation ni Duterte ang naturang halaga mula sa Chinese Embassy.
Wala namang inilatag sa pahayag na ibinigay ang detalye tungkol sa petsa, layunin at dokumentong kaugnay ng sinasabing P150 milyong halaga.
Ang pahayag ay ginawa ni Trillanes sa kanyang presscon kaugnay ng mga alegasyon sa umano’y pinagmulan ng yaman ni Duterte na tinatalakay sa impeachment proceedings.
--Ads--











