--Ads--

Hindi bababa sa 12 katao ang sugatan matapos gumuho ang isang tourist bar sa San Vicente de la Sonsierra, La Rioja, Spain nitong Sabado, Oktubre 3.

Ayon sa Spanish Civil Guard, nasa 50 katao ang nasa loob ng Bar Tempranillo nang bahagyang gumuho ang gusali dakong alas-5:25 ng madaling araw.

Batay sa paunang impormasyon, unang bumigay ang sahig ng bar bago gumuho ang bahagi ng kisame, dahilan upang ma-trap sa loob ang nasa 25 hanggang 30 katao.

Agad na rumesponde ang mga emergency personnel at nagsagawa ng rescue operation sa mga taong naipit sa ilalim ng mga guho.

--Ads--

Hindi bababa sa 12 katao ang isinugod sa iba’t ibang medical center para sa gamutan, kabilang ang isang lalaking nagtamo ng bali sa binti.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Spanish Civil Guard ang sanhi ng pagguho, habang isinara muna sa mga motorista ang Zumalacarregui Street kung saan matatagpuan ang bar dahil nananatiling delikado ang gusali.