--Ads--
Nakatuon na ang atensiyon ni Carlos Yulo sa 2026 World Championships na gaganapin sa Oktubre 17 hanggang 25 sa Rotterdam, Netherlands.
Sariwa pa ang dalawang gintong medalya ni Yulo sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan, kung saan nagkampeon siya sa men’s floor exercise at vault.
Matapos ang mga pagdiriwang, guestings at welcome dinner para sa Team Philippines, balik-ensayo na si Yulo bilang paghahanda sa World Championships.
Tatlong beses nang nagkampeon si Yulo sa naturang torneo—sa floor exercise noong 2019 at sa vault noong 2021 at 2025.
--Ads--
Gagamitin din umano ni Yulo ang kompetisyon upang ma-scout ang kaniyang mga makakalaban.











