--Ads--

Isang makasaysayang tagumpay ang nasungkit ni Jihan Dimachk ng Tanzania matapos koronahang Miss Grand International 2026 sa grand finals na ginanap sa Bangkok, Thailand, na nagwakas sa pag-asam ng Pilipinas na makamit ang ikatlong sunod na korona sa prestihiyosong beauty pageant.

Humalili si Dimachk sa Pinay beauty queen na si Emma Mary Tiglao, na nag-uwi ng korona noong 2025 matapos ang panalo rin ni Christine Juliane Opiaza noong 2024.

Nagtapos naman sa Top 25 ang pambato ng Pilipinas na si Angelica Lopez matapos hindi makapasok sa Top 11. Gayunman, hindi umuwing luhaan ang beauty queen dahil nasungkit niya ang isa sa mga parangal na Best National Costume sa pamamagitan ng kaniyang kasuotang hango sa mangkukulam sa kuwentong-bayan ng Pilipinas.

Kasama ni Dimachk sa mga nangibabaw sa kompetisyon sina Shyare Andrade ng Ecuador bilang first runner-up, Beau Megan Goos ng Netherlands bilang second runner-up, Ximena Carillo ng Guatemala bilang third runner-up, at Emoura Pham ng Vietnam bilang fourth runner-up.

--Ads--