Muling aakyat sa pageant stage si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, ngunit sa pagkakataong ito ay bilang host ng Miss Grand International All Stars na gaganapin sa Mayo 28 sa MGI Hall sa Bangkok, Thailand.
Makakasama niya sa hosting sina Emma Mary Tiglao, Miss Grand International 2025, at Paweensuda Drouin, Top 5 finalist ng Miss Universe 2019, para pangunahan ang preliminary swimsuit competition na magtatampok sa kagandahan, talento, at poise ng mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Matapos koronahan bilang Miss Universe Philippines 2023, nakapasok si Michelle sa Top 10 ng Miss Universe 2023 at nasungkit ang Best National Costume at Voice for Change Gold Winner awards.
Bukod sa kanyang pageant achievements, patuloy rin siyang aktibong nagsusulong ng autism awareness at inclusivity. Nagsisilbi rin siya bilang PAF Reservist at pinamumunuan ang The Inner Peace Foundation.
Samantala, si Gazini Ganados ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International.











