Nilinaw ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala silang ipapatupad na deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFW) na patungo sa Saudi Arabia.
Kasunod ito ginawang pag-atake ng Houthi rebels sa mga paliparan sa Saudi Arabia.
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na mayroon silang ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa security at political assesment sa lugar.
Pinayuhan din nito ang mga OFW na magtutungo sa Saudi Arabia na doblehin na i-check ang kanilang flights dahil maraming mga airline companies ang nagkansela ng kanilang flights.
Sa nasabing pag-atake ng paliparan ay mayroong apat na Filipino ang nasugatan kung saan tatlo sa kanila ay nasa Intensive Care Unit (ICU) habang ang isa ay nakalabas na sa pagamutan.
Tiniyak naman nito na kanilang tutulungan ang mga pamilya ng biktima.










