Sinisiyasat na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang ari-ariang iniuugnay kina Vice President Sara Duterte at Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, tututukan ng ahensiya ang malaking diperensya umano sa mga halagang nakasaad sa kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) at sa resulta ng independent valuation ng NBI.
Sa paunang pagsusuri, may isang ari-ariang idineklara sa halagang humigit-kumulang ₱890,000, ngunit tinatayang maaaring umabot sa ₱60 milyon ang halaga nito.
Pinangungunahan ni Matibag ang imbestigasyon upang matukoy kung may kaugnayan ang mga ari-ariang ito sa umano’y paghahatid ng pera na isiniwalat ni Rodulfo Gracioso.
Layunin din ng NBI na matunton ang pinagmulan at daloy ng pera at alamin kung ginamit ito sa pagbili ng mga ari-arian.











