--Ads--

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang mosyon para sa muling pagsasaalang-alang na inihain ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay ng naunang desisyon na tanggihan ang kaniyang petisyon para sa paglaya sa detensiyon.

Sa walong-pahinang resolusyon na inilabas noong Oktubre 5, sinabi ng CA na walang bagong sapat na batayan upang baligtarin ang nauna nitong pasya.

Ayon sa korte, hindi na saklaw ng Bureau of Immigration ang kustodiya kay Guo dahil nasa Correctional Institution for Women siya mula Disyembre 2025, alinsunod sa hatol ng Regional Trial Court.

Si Guo ay nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong qualified human trafficking.

--Ads--