Posibleng umabot sa ₱1.5 bilyon ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte at ng kaniyang asawang si Manases Carpio, ayon sa financial forensic analyst na si Alex Cabrera.
Sa ika-38 araw ng impeachment trial nitong Lunes, sinabi ni Cabrera na nasa ₱817 milyon ang konserbatibong tantiya sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ng mag-asawa mula 2022 hanggang 2025, na hindi umano naideklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Tiniyak din ni Cabrera na maingat na sinuri ng kaniyang grupo ang mga bank record, transaksiyon, income tax return at iba pang dokumentong pinansyal upang maiwasan ang dobleng pagtatala.
Samantala, sinabi ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero na kahit alisin sa kuwenta ang ilang kompanyang binanggit sa pagsusuri, aabot pa rin sa mahigit ₱463 milyon ang natitirang halaga ng umano’y hindi maipaliwanag na yaman.
Kinumpirma naman ito ni Cabrera, habang iginiit ng kampo ng depensa na nasa mga senador-hukom ang pagpapasya kung bibigyan ng bigat ang mga konklusyon ng testigo.











