--Ads--
Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ₱7.2 trilyong pambansang budget para sa taong 2027 nitong Lunes.
Nakakuha ang House Bill No. 10858 ng 281 boto pabor, 13 tutol at isang abstention para sa pagpasa ng bersyon ng Kamara ng General Appropriations Bill (GAB).
Nauna nang inaprubahan ng mga mambabatas sa ikalawang pagbasa ang panukalang budget noong Huwebes, na inilalarawang nakasentro sa kapakanan ng publiko at nakahanda sa inaasahang matinding El Niño.
Gayunman, kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang mga pagbabago sa panukalang budget, kabilang ang umano’y kawalan ng transparency sa mga ipinanukalang dagdag-pondo ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc).
--Ads--











