--Ads--

Umabot sa ₱2.47 trilyon ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula Enero hanggang Setyembre 2026, mas mataas ng 5.6 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa Setyembre lamang, nakapagtala ang BIR ng ₱203.58 bilyong koleksiyon, mas mataas ng 10.9 porsiyento kumpara sa parehong buwan noong 2025.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, nakatulong ang mga programa para mapadali ang pagbabayad ng buwis at direktang matulungan ang mga taxpayer.

May tatlong buwan pa ang ahensiya upang maabot ang target nitong ₱3.39 trilyong koleksiyon para sa buong taon.

--Ads--