--Ads--

Sugatan ang dalawang pulis at dalawang sibilyan matapos sumabog ang isang hinihinalang pampasabog sa isang gusali sa Athens, Greece nitong Miyerkules.

Ayon sa Greek police, rumesponde ang mga awtoridad matapos makatanggap ng tawag mula sa isang residente at manager ng gusali hinggil sa kahina-hinalang backpack na hinihinalang naglalaman ng ilegal na droga.

Nang inspeksyunin ng mga pulis ang bag, bigla itong sumabog. Posibleng malayuang pinasabog ang device, ayon sa isang opisyal ng pulisya. Kabilang sa mga nasugatan ang manager ng gusali.

Agad na isinugod sa ospital ang apat na biktima. Narekober din ng mga awtoridad ang mga bahagi ng isang pampasabog sa lugar.

--Ads--

Hindi itinuturing ng pulisya na may kaugnayan sa terorismo ang insidente. Pinangungunahan na ng homicide unit ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng pampasabog at kung sino ang nasa likod nito.