--Ads--
Patuloy ang paghina ng piso laban sa dolyar matapos itong magsara sa panibagong record-low na ₱63.361 kada dolyar noong Oktubre 21, sa gitna ng mataas na presyo ng langis at pangamba sa posibleng pagtataas ng interest rate sa Estados Unidos.
Ayon sa mga ekonomista, maaaring bahagyang makatulong sa piso ang inaasahang pagtataas ng BSP ng interest rate mula 5% tungong 5.25%, ngunit hindi ito sapat upang makabawi nang malaki.
Patuloy namang nagpapahina sa piso ang mataas na presyo ng langis, pagbagal ng pagpasok ng pamumuhunan at lumalaking kakulangan sa panlabas na balanse ng bansa.
Dagdag pa rito, nananatili ang pangamba sa posibleng panibagong pagtataas ng interest rate ng US Federal Reserve, na maaaring magpalakas sa dolyar.
--Ads--









