--Ads--

Humingi ng paumanhin ang French football star na si Kylian Mbappe matapos siyang batikusin sa China dahil sa umano’y komento tungkol sa yumaong lider na si Mao Zedong.

Sa pahayag sa social media platform na X, inamin ni Mbappe na hindi pinag-isipan ang kanyang naging komento tungkol sa isang meme na nagtatampok sa kanyang mukha sa larawan ni Mao.

Ayon sa kanya, ikinalulungkot niya ang pagkakasakit ng damdamin ng mga mamamayang Chinese at iginiit ang paggalang sa kanilang kasaysayan at kultura.

Dahil sa kontrobersiya, itinigil ng ilang Chinese companies, kabilang ang Mengniu, Shanghai Milkground Food Tech at Eastroc Beverage, ang kanilang partnership sa football star.

--Ads--

Iniulat din ng media sa China na itinigil ng state television ang pagpapalabas ng mga laban at kaganapang may kaugnayan sa Spanish football league na LaLiga at kay Mbappe, habang inalis ang mga ads na nagtatampok sa kanya.

Hindi pa nakukumpirma ang pagiging tunay ng video na pinagmulan ng kontrobersiya.