Inamin ni Kim Kardashian na malaking pasanin para sa kanya ang pagpapalaki sa kanilang apat na anak kasama ang dating asawang si Kanye West, sa kabila ng kanilang hindi pagkakasundo.
Sinabi ni Kardashian na hindi niya ipinapakita sa kanilang mga anak ang mga problema nila ni West at nais niyang mapanatili ang magandang ugnayan ng mga ito sa kanilang ama.
Ayon sa reality star, mas maayos na ang kanilang co-parenting nitong mga nakaraan, bagama’t hindi na sila gaanong nag-uusap. Bukas din umano siya sa pagbisita ni West at maging sa sama-samang pagdiriwang ng Pasko kasama ang partner nitong si Bianca Censori.
Sinabi rin ni Kardashian na nag-aalala siya sa kalagayan ni West at umaasang magiging maayos ang lahat alang-alang sa kanilang mga anak.
Nagpakasal ang dalawa noong 2014 at natapos ang kanilang divorce noong 2022. Mayroon silang apat na anak na sina North, Saint, Chicago at Psalm.







