--Ads--
Hindi nakapasok sa medal round ang Filipino wildcards na sina John Mark “Marama” Tokong at Jayuard Alciso matapos matalo sa kani-kanilang laban sa World Surf League (WSL) Championship Tour Philippines Pro sa Cloud 9, Siargao.
Tinalo si Tokong ng Australian world No. 7 na si Ethan Ewing matapos magtala ng 11.54 puntos kumpara sa 14.50 puntos ng katunggali.
Samantala, nabigo rin si Alciso laban sa Japanese surfer na si Kanoa Igarashi matapos makakuha lamang ng 4.17 puntos sa kaniyang final wave, kumpara sa 12.90 puntos ng Asian Games gold medalist.
Sa kabila ng pagkatalo, positibo pa rin si Tokong at itinuring na mahalagang karanasan ang pagsabak sa international surfing competition.
--Ads--







