--Ads--

Nakasiguro na ng puwesto sa quarterfinals ng Hong Kong Tennis Open si Filipina tennis sensation Alexandra “Alex” Eala matapos talunin si Czech Republic’s Tereza Valentova sa iskor na 6-4, 7-6(7) nitong Huwebes.

Naging dikdikan ang laban kung saan maagang nakalamang si Eala sa unang set, 3-0, ngunit nakabawi si Valentova at naitabla ang iskor sa 4-all. Gayunman, napanatili ng Filipina ang kalamangan at nakuha ang unang set, 6-4.

Sa ikalawang set, muntik pang makuha ni Valentova ang panalo matapos umabante sa 5-3, ngunit nagawang makabawi ni Eala at maipilit ang tiebreak na kalaunan ay kaniyang napagwagian.

Makakaharap naman ni Eala sa quarterfinals ang Croatian player na si Antonia Ruzic.

--Ads--