--Ads--
Pasok na sa Round of 16 ng Hong Kong Open si Filipina tennis ace Alex Eala matapos talunin ang Australian lucky loser na si Emerson Jones sa straight sets, 6-4, 6-3, nitong Martes ng gabi.
Muling pinalakas ng suporta ng maraming Pilipinong nanood sa Center Court ang laro ni Eala na agad nakapagtala ng malaking kalamangan sa unang bahagi ng dalawang sets bago napigilan ang pagtatangkang makabawi ng kanyang katunggali.
Sa kabila ng panalo, kinilala ni Eala ang husay ni Jones at nagpahayag ng kasiyahan sa kanyang naging performance sa torneo.
Susunod na makakaharap ni Eala ang Czech player na si Tereza Valentova sa Round of 16.
--Ads--
Matatandaang umakyat si Eala sa career-high ranking na World No. 17 sa WTA rankings nitong Lunes.










