--Ads--

Umabante sa quarterfinals ng 2026 Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos pabagsakin ang Australian na si Talia Gibson sa kanilang Round of 16 match nitong Miyerkules ng gabi.

Bumawi si Eala mula sa pagkatalo sa unang set upang makuha ang panalo sa iskor na 4-6, 6-2, 6-0, matapos dominahin ang deciding set.

Ayon kay Eala, naging susi sa kaniyang panalo ang pagpapanatili ng konsentrasyon at hindi pagsuko sa kabila ng mahirap na simula ng laban.

Nagtala rin ang Filipina tennis ace ng siyam na aces sa loob ng isang oras at 53 minutong laban.

--Ads--

Sa quarterfinals, makakaharap ni Eala ang world number 13 na si Diana Shnaider ng Russia, na tumalo sa kaniya sa kanilang nakaraang paghaharap sa Ningbo Open.