Umapela si US President Donald Trump upang ipawalang-bisa ang hatol sa kanya sa kasong hush money na may kaugnayan sa $130,000 na ibinayad sa actress na si Stormy Daniels.
Sa pagdinig nitong Huwebes, tinanong ng mga mahistrado ang mga abogado ni Trump at mga tagausig tungkol sa legal na batayan ng kanyang apela, kabilang ang paggamit ng batas sa pondo ng kampanya at ang usapin ng presidential immunity.
Noong 2024, napatunayang nagkasala si Trump sa 34 na bilang ng pamemeke ng mga rekord ng negosyo kaugnay ng naturang bayad, na umano’y ginawa upang hindi lumabas ang impormasyon tungkol sa kanya bago ang 2016 presidential election, ngunit itinanggi naman ni Trump ang mga paratang sakanya.
Hindi dumalo si Trump sa naturang pagdinig, Sa ngayon ay wala panginilalabas na desisyon ang korte kung pagbibigyan ang kanyang apela o kung kailan ito magpapasya.







