--Ads--

Target ni Filipina tennis star Alex Eala na masungkit ang kanyang ikalawang tour title sa pagsabak nito sa finals ng Hong Kong Open ngayong Linggo.

Makakaharap ni Eala ang American player na si Claire Liu para sa WTA 250 championship matapos talunin ang fourth seed na si Maria Sakkari ng Greece sa semifinals, 7-5, 3-6, 6-4, sa kabila ng walong beses na paghinto ng laro dahil sa ulan.

Nasa career-high ranking na World No. 17 si Eala matapos ang matagumpay na season na kinabibilangan ng pagkamit ng kanyang unang tour title sa Washington ngayong taon.

Gayunman, hindi naging madali ang kanyang kampanya sa Hong Kong Open matapos dumaan sa mahihigpit na laban kontra Emerson Jones, Tereza Valentova at Antonia Ruzic bago makapasok sa semifinals.

--Ads--

Ito na ang ikatlong pagkakataon na makalalaro si Eala sa isang tour final. Umaasa siyang masusungkit ang titulo matapos mabigo sa championship match ng Eastbourne Open noong Hunyo 2025.