--Ads--
Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong employer na tiyaking maibibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado sa o bago ang Disyembre 24, 2026.
Batay sa Labor Advisory No. 21, entitled dito ang lahat ng rank-and-file employees anuman ang kanilang posisyon o employment status, kabilang ang mga nagbitiw o natanggal sa trabaho sa loob ng taon.
Ayon sa DOLE, dapat katumbas ng hindi bababa sa one-twelfth ng kabuuang basic salary na kinita ng empleyado sa loob ng isang taon ang kanilang 13th month pay.
Dagdag ng ahensya, mahigpit na imo-monitor ng mga regional at provincial offices nito ang pagsunod ng mga employer sa itinakdang deadline at mga alituntunin sa pagbabayad.
--Ads--











