--Ads--

Nakatanggap si Vice President Sara Duterte ng ₱64,194.72 mula sa pamahalaang lungsod ng Davao noong Enero 2023 bilang bayad sa salary differentials mula sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang alkalde.

Sa ika-41 araw ng impeachment trial, sinabi ni Davao City Accountant Vengeline Bahan na saklaw ng naturang halaga ang salary adjustments ni Duterte mula Enero hanggang Disyembre 2020 at buong taong 2021.

Ayon kay Bahan, nagmula ang bayad sa retroactive salary adjustments sa ilalim ng ikaapat na tranche ng Salary Standardization Law na ipinatupad noong 2019.

Nang tanungin kung bakit Enero 2023 lamang naibigay ang naturang halaga gayong bise presidente na si Duterte noon, ipinaliwanag ni Bahan na noon lamang nakumpleto ang mga kinakailangang dokumento.

--Ads--

Matatandaang dati nang kinuwestiyon ng prosecution ang pagtanggap ni Duterte ng kompensasyon mula sa Davao City noong 2023, kaugnay ng mga probisyon ng Konstitusyon na nagbabawal sa pangulo at bise presidente na tumanggap ng iba pang emolument mula sa pamahalaan habang nasa puwesto.