--Ads--

Kinilala bilang Rank 1 Top-Performing School sa buong Region II ang Our Lady of the Pillar College-Cauayan (OLPCC) matapos makapagtala ng 62.96 percent passing rate sa katatapos na Certified Public Accountant Licensure Examination.

Batay sa resulta ng Professional Regulation Commission (PRC), 17 sa 27 examinees ng nasabing paaralan ang matagumpay na nakapasa, na mas mataas kumpara sa 37.11 percent na national passing rate.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Sherwin Magmanlac, Dean ng Accountancy Department, sinabi nitong naging susi sa magandang resulta ang matagal na paghahanda, disiplina at pagtutok ng mga estudyante sa kanilang review.

Ayon kay Dr. Magmanlac, kumpiyansa ang departamento na makapagtatala sila ng magandang resulta dahil karamihan sa mga kumuha ng pagsusulit ay Dean’s Listers ng paaralan.

--Ads--

Itinuturing naman itong bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga estudyante at ng kanilang mga guro upang maihanda ang mga examinees sa licensure examination.