--Ads--

Humingi ng paumanhin si Nvidia Chief Executive Officer Jensen Huang sa kaniyang pamilya matapos aminin ang umano’y pakikipagrelasyon sa isang negosyanteng Chinese na si Huang Le, na iniuugnay sa Beijing.

Kasunod nito, iniulat na iniimbestigahan ang posibleng ugnayan ni Huang Le sa Chinese intelligence at ang umano’y papel ng kumpanyang may kaugnayan sa kaniya sa pagkuha ng mga advanced artificial intelligence chips ng Nvidia sa kabila ng export restrictions ng Estados Unidos.

Dahil dito, nagsagawa ng independent investigation ang board of directors ng Nvidia upang matukoy kung may posibleng paglabag sa seguridad o pagkakalantad ng sensitibong impormasyon ng kumpanya.

Gayunman, nilinaw ng Nvidia na wala pa silang nakikitang ebidensiyang nakompromiso ang kanilang trade secrets o national security ng Estados Unidos.

--Ads--

Samantala, nagpahayag si Huang ng kahandaang panagutan ang kaniyang mga naging desisyon at makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon.