Nakakaalarma at nakakalungkot aniya na ginagamit ng ilang mga politiko ang isyu ng panghihimasok ng China sa eleksyon sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng nangyaring pagkakaaresto sa isang Chinese National na mayroong dalang mga ‘Spy Equipment’ malapit sa Punong Tanggapan ng Comelec.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na ang naturang insidente ay maituturing na Malign Foreign Interference at hindi rin tinatanggal ang posibilidad ng Espionage na kapwa seryosong banta sa National Security ng Bansa.
Aniya, kailangang malaman ang katotohanan sa likod ng mga ganitong klase ng banta ngunit nawawala aniya ang atensyon ng Publiko at mga Law Enforcement Agencies sa mga detalyeng dapat malaman kung ginagamit ito ng mga politika sa kanilang pangangampanya para makuha ang atensyon ng publiko.
Dapat aniyang kumilos ang mga National Security Agencies gaya na lamang ng Department of National Defense, National Bureau of Investigation para makahanap ng solusyon hinggil sa seryosong usapin na ito.
Aniya, ang mga nabanggit na ahensya dapat ang manguna sa imbestigasyon dahil saklaw ito ng kanilang trabaho at hindi ng Senado.