--Ads--
Mahigit 7,700 flights sa United States ang nakansela matapos ipatupad ang mahigit apat na oras na nationwide ground stop dahil sa aberya sa air traffic control system.
Ayon kay US Transportation Secretary Sean Duffy, na-overload ang mga router na nagproseso ng datos, na iniuugnay sa lumang teknolohiya ng system.
Bagama’t pinayagan nang muling lumipad ang ilang eroplano, inaasahan ang patuloy na pagkaantala at pagkansela ng mga biyahe hanggang weekend.
Nanawagan naman si Duffy sa Kongreso na pondohan ang modernisasyon ng air traffic control system upang maiwasan ang kaparehong aberya.
--Ads--






