--Ads--

Nais muling gumawa ng pelikulang Pilipino ang Korean singer-actress na si Sandara Park matapos ang halos dalawang dekada mula nang huli siyang lumabas sa isang lokal na proyekto.

Ayon kay Sandara, handa na siyang gumanap sa mas mature na mga karakter, partikular sa mga kuwento ng pag-ibig.

Matatandaang umalis siya sa Pilipinas noong 2007 upang subukan ang kaniyang kapalaran sa South Korea, kung saan kalaunan ay sumikat bilang miyembro ng K-pop group na 2NE1 kasama sina CL, Minzy at Park Bom.

Nagsimula naman ang kaniyang karera sa Pilipinas matapos maging runner-up sa isang talent search at makapareha si Hero Angeles sa ilang pelikula.

--Ads--