--Ads--

‎Dalawang miyembro ng Bamboo Youth Congress ng Lungsod ng Cauayan ang matagumpay na nakapag-donate ng dugo sa isinagawang Dugong Bombo 2026, kabilang ang isang 19-anyos na kabataang kabilang sa mga pinakabatang donor sa naturang aktibidad.
‎
‎Ito ay si Ginoong Edison Fernandez, 19 anyos, na boluntaryong nakibahagi sa blood donation program bilang bahagi ng kanilang organisasyon.
‎
‎Sa pamamagitan ng kaniyang paglahok, naging bahagi siya ng mga kabataang nakiisa sa layuning makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.
‎
‎Samantala, ayon kay Ginoong Xander Jake Paclarin, chairman ng Bamboo Youth Congress, kabilang sa mga prinsipyong isinusulong ng kanilang organisasyon ang volunteerism, leadership at sustainability.
‎
‎Aniya, mahalagang maisabuhay ng kanilang mga miyembro ang mga prinsipyong ito sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga inisyatibong makatutulong sa nakararami.
‎
‎Dagdag pa ni Paclarin, mahalagang patuloy na makibahagi ang mga kabataan sa mga gawaing pangkomunidad upang maisabuhay ang kanilang adbokasiya sa boluntaryong paglilingkod.
‎