Itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas malawak na paggamit ng artificial intelligence (AI) sa maliliit na negosyo sa Southeast Asia upang mapataas ang kanilang produktibidad at kakayahang makipagkompetensiya sa digital economy.
Sa kanyang talumpati sa Asean Business and Investment Summit 2026, hinimok ni Pangulong Marcos ang mga technology companies na gawing mas abot-kaya at accessible ang AI tools para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Ayon sa Pangulo, mahalagang mabigyan ang mga ito ng sapat na pagsasanay, puhunan at access sa teknolohiya upang mapahusay ang kanilang operasyon at mapalawak ang merkado.
Samantala, nanawagan din si Asean Business Advisory Council Chair Jose Ma. Concepcion III sa malalaking kumpanya na tulungang maiangat ang maliliit na negosyo upang makinabang sa paglago ng ekonomiya sa rehiyon.











