--Ads--

Nananatili sa ₱270 hanggang ₱280 kada kilo ang presyo ng karne ng baboy sa pamilihan sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay meat vendor Joy Mangaccat, sinabi nitong nahihirapan silang magpatupad ng dagdag-presyo dahil sa kompetisyon sa loob at labas ng palengke.

Aniya, noong kasagsagan ng African Swine Fever o ASF, nasa ₱240 hanggang ₱250 kada kilo ang baboy, at bumaba pa sa ₱230 ang ilang bahagi nito.

Umaasa ang mga vendor na maitaas sa ₱300 kada kilo ang presyo ng baboy, ngunit kailangan nilang makasabay sa presyuhan ng ibang nagtitinda.

--Ads--

Samantala, nasa ₱220 kada kilo ang pata ng baboy, ₱150 ang mga bahagi ng ulo, ₱120 ang manok at ₱240 ang lamang-loob.

Samantala naglalaro naman sa ₱170 hanggang ₱180 kada kilo ang tilapia at ₱280 hanggang ₱320 ang galunggong, habang umaabot naman sa ₱550 kada kilo ang pampano.

Umaasa ang mga nagtitinda sa pang-unawa ng mga mamimili dahil nakadepende rin ang presyo sa halaga ng kanilang suplay at kompetisyon sa merkado.