--Ads--

Pinabulaanan ng grupo ng mga hog raiser na ProPork ang projection ng United States Department of Agriculture na posibleng magkaroon ng kakulangan sa suplay ng baboy sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2027.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Nonon Tambago, Vice Chairperson ng ProPork, sinabi nitong sapat pa ang suplay dahil sa nakaimbak na imported pork sa cold storage at patuloy na produksyon ng mga lokal na magbababoy.

Kaugnay nito, suportado ng grupo ang 60-day temporary suspension sa pag-aangkat ng piling pork products na inaasahang magsisimula sa Nobyembre 26, 2026.

Gayunman, iginiit ni Tambago na mas kailangan ang pagbabalik sa mas mataas na taripa sa imported pork upang magkaroon ng patas na kompetisyon ang mga lokal na producer.

--Ads--

Nanawagan din siya sa mga hog raiser na dagdagan ang produksyon upang mapalakas ang lokal na suplay at mapakinabangan ang pansamantalang paghihigpit sa importasyon.