--Ads--

Ibinida ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang kultura at likas na yaman ng Mindanao sa preliminary evening gown competition ng 75th Miss Universe sa San Juan, Puerto Rico.

Isinuot ng 24-anyos na kandidata ang isang gold-and-blue gown na dinisenyo ni Anthony Ramirez at inspirasyon ang Sulu Sea.

Pinamagatang “The Golden Seas of Sulu,” sumisimbolo ang mga gintong palamuti nito sa tradisyon ng paggawa ng ginto sa Mindanao, habang ang mga asul na detalye ay kumakatawan sa mayamang yamang-dagat ng rehiyon.

Ayon kay Millan-Windorski, nais din niyang bigyang-pugay sa pamamagitan ng kasuotan ang mga komunidad, kultura at marine life na nakaugnay sa Sulu Sea.

--Ads--

Lumahok din ang beauty queen sa preliminary swimsuit competition na suot ang asul na two-piece outfit.

May kabuuang 116 na kandidata ang naglalaban para sa korona, na igagawad sa November 25, oras sa Pilipinas.

Hangad ni Millan-Windorski na maging ikalimang Filipina na magwawagi ng Miss Universe title.