--Ads--

Magsisimula na ang absentee voting para sa Tactical Operations Group 2 ngayong araw at magtatagal hanggang April 30.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Election Officer Atty. Johanna Vallejo, sinabi niya na magsisimula ang pagboto alas-8 ng umaga kung saan boboto ang nasa 49 ang Local Abentee Voters mula sa Tactical Operations Group 2.

Kabilang sa mga may prebilehiyo ay ang mga botante na naka rehistro sa malalayong lugar gayunman ang bobotohan lamang nila ay ang mga nasa National Positions.

Sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na kumpirmasyon mula sa Cauayan City Police Station para naman sa mga PNP personnel na boboto.

--Ads--

Aniya ang pagdadala ng mga balota at ibang mga Election Paraphernalia ay ipinadala mismo ang Committee on Local Absentee Voting mula sa COMELEC Intramuros.

Samantala, may paglilinaw ang COMELEC kaugnay sa iba’t ibang programa na isinasagawa ngayon sa Lungsod kabilang ang concerts at iba pang aktibidad o serbisyo publiko na hindi ikukunsidera bilang Election offense kung hindi ito gagamiting pagkakataon ng mga kandidato para makapangampanya.

Nagbabala naman siya na anumang babanggitin ng mga kandidato direct man o indirect ay maaaring maging paglabag sa ilalim ng COMELEC resolution kung ito ay ginawa sa anumang programa at ikokunsidera bilang vote buying.

Aminado ang COMELEC Cauayan na kulang ang mga tauhan nila para mabantayan ang ganitong mga aktibidad kaya nakikipag-ugnayan sila sa Committee on Kontra Bigay na binubuo ng iba’t ibang ahensya.

Pinapayuhan naman ang publiko na magsumbong at maghain ng pormal na reklamo kung may mga ganitong pangyayari o pang-aabuso sa City Resources o vote buying.