--Ads--

CAUAYAN CITY –  Umabot na sa 43 ang mga aktibong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Cauayan City matapos na maitala ang 9 na bagong positibo.

Kabilang sa mga naidagdag sina CV2542, 23 anyos na binata at residente ng San Fermin, Cauayan City.

Siya ay kabilang sa mga direct contact sa nagpositibong si CV 2263, asymptomatic at nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.

Kahapon ay kabilang sa mga naitalang bagong COVID-19 positive si CV 2542, 28 anyos na lalaki, kawani Cauayan City Civil Registry Office at residente ng  San Fermin.

--Ads--

Ang pasyente ay nakaranas ng lagnat mula noong ika-12 ng Oktubre at nagpakonsulta sa Cauayan City Health Office noong ika-19 ng Oktubre 2020.

Nanawagan ang pamahalaang lungsod sa mga nagtungo sa Civil Registry Office na makipag-ugnayan sa Sumbungan ng Bayan sakaling makaranas ng mga sintomas COVID-19 at sumailalim sa strict home quarantine.

Maliban dito ay nagpositibo rin sa COVID-19 ang mga anak nina CV 2326 at CV 2366 na sina CV2535 at CV 2537 na pawang residente ng Barangay District 1, Cauayan City.

Ang lolo na si CV 2538 mula sa barangay District 1 ay ama ni CV 2271 na isang guro sa Reina Mercedes, Isabela.

Si CV 2539, 29 anyos ay asawa ni CV 2263 na tindera ng gulay sa pribadong pamilihan at residente ng  San Fermin.

Si CV 2540, 29 anyos na babae ay negosyante at residente ng  San Fermin, Cauayan City  at nakasalamuha ang kaibigan na si CV2446 na isang nurse.

Si CV2541, 45 anyos na lalaki ay asawa ni CV 2213, physician secretary at kapwa residente ng  Baringin Sur, Cauayan City.

Ang lahat ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay nasa pangangalaga na ng mga quarantine facility ng pamahalaang lungsod.