CAUAYAN CITY– Patuloy ang limang araw na aggressive mass testing sa Santiago City sa pangunguna ng Department of Health (DOH) na nagsimula noong araw ng Lunes.
Una nang inihayag ni City Health Officer Genaro Manalo ng Santiago City na napili nila bilang testing sites ang Integrated Terminal Complex, New Public Market , Santiago City North Central School at Community Center ng Barangay San Andres.
Mula Lunes hanggang Huwebes ay bukas ang aggressive testing para sa mga residente ng Santiago City habang sa araw ng Biyernes ay ilulunsad naman ang drive-thru COVID-19 testing sa Integrated Transport Terminal Complex sa barangay Malvar.
Una nang inihayag ng CHO at DOH na layunin ng aggressive mass testing na makita ang tunay na kalagayan ng Santiago City may kaugnayan sa COVID-19 virus..
Ang agressive mass testing ay bukas sa mga taga Santiago Cit gayundin sa mga magmumula sa ibang mga bayan at lunsod na nais sumailalim sa libreng COVID-19 testing.
Unang sumalang sa pagsusuri kahapon ang mga frontliners ,mga kawani ng pamahalaang Lungsod ng Santiago, mga kawani ng Santiago City Police Office, BFP, BJMP, mga naka-schedule na residente ng Poblacion A at mga nagtitinda sa mga Talipapa.










