--Ads--

Lumiit ng 6.4 % ang kakulangan sa kalakalan ng produktong agrikultural ng Pilipinas noong Mayo 2026 matapos mas mabilis na tumaas ang halaga ng mga iniluluwas na farm products kumpara sa mga inaangkat.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa $988.65 milyon ang agricultural trade deficit noong Mayo mula sa $1.06 bilyon sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Umabot naman sa $2.67 bilyon ang kabuuang kalakalan ng mga produktong agrikultural, mas mataas ng 4.8 % kumpara noong 2025.

Samantala, tumaas ng 1.5 % ang agricultural imports sa $1.83 bilyon. Pinakamalaking bahagi ng mga inangkat ang cereals na nagkakahalaga ng $454.21 milyon o 24.8 % ng kabuuang imports. Nanatiling Vietnam ang pangunahing pinagmumulan ng agricultural imports ng Pilipinas sa ASEAN na may halagang $256.6 milyon.