--Ads--

Sa edad na 61, matagumpay na natapos ni Ai-Ai delas Alas ang HYROX Solo fitness race sa Rome, Italy matapos sumabak sa pisikal na mabibigat na hamon.

Ibinahagi ng aktres ang mga video mula sa kompetisyon kung saan sinabi niyang nakaranas siya ng matinding cramps sa magkabilang binti at muntik nang sumuko.

Gayunman, pinilit niyang tapusin ang karera na tumagal nang halos tatlong oras.

Ayon kay Ai-Ai, hindi oras ang mahalaga sa kanyang pagsabak kundi ang tapang, determinasyon at pagpapatuloy sa kabila ng pagod at sakit.

--Ads--

Nagpasalamat din siya sa kanyang mga fitness coach at sa lahat ng sumuporta sa kanya sa kanyang paghahanda.Matatandaang noong Mayo ay natapos din ni Ai-Ai ang HYROX fitness race sa Hong Kong.