--Ads--
Nasungkit ni Spanish tennis star Carlos Alcaraz ang kauna-unahan niyang ATP Finals title matapos talunin si world number one Alexander Zverev ng Germany, 6-2, 7-6 (9-7), sa final match sa Turin, Italy.
Dahil dito, naging ikaapat na lalaking tennis player si Alcaraz na nakapagwagi ng lahat ng apat na Grand Slam titles at ATP Finals, kasunod nina Roger Federer, Andre Agassi at Novak Djokovic.
Sa edad na 23, siya rin ang pinakabatang manlalaro na nakapagkampeon sa limang prestihiyosong torneo na ito.
Tinawag naman ni Alcaraz na isang pribilehiyo ang pagkapanalo, lalo’t naging hamon sa kaniya ang pressure at ilang pisikal na problema sa kabuuan ng torneo.
--Ads--











