--Ads--
Nagulat ang mga kawani ng isang aklatan sa England nang muling lumitaw ang dalawang librong mahigit 50 taon nang overdue sa isang thrift store na nasa halos 60 milya ang layo.
Ayon sa pahayag ng Leeds City Council, nakatanggap ang Leeds Central Library ng tawag mula sa mga empleyado ng isang thrift store sa Beverley, East Yorkshire. Ipinabatid nila na dalawang aklat—Volumes I at II ng Geology and Mineralogy ni Rev. William Buckland—ay natagpuan sa mga donasyong dinala sa kanilang tindahan.
Ang mga aklat na isinulat pa noong 1836 ay huling na-check out mula sa library noong Marso 1976, at mula noon ay hindi na naibalik.







