--Ads--

Kinumpirma ng Foreign Ministry ng Pakistan nitong Huwebes na nakikipag-ugnayan ang Estados Unidos at Iran — sa pamamagitan ng Islamabad — para sa ikalawang pagpupulong ng kanilang mga negosyador na layong wakasan ang halos pitong linggong digmaan ito ay ilang araw bago magtapos ang ceasefire.

Gayunman, nilinaw ng Pakistan na wala pang takdang petsa para sa susunod na round ng negosasyon, habang pinapalakas nito ang parallel diplomacy upang manatiling buhay ang proseso.

Ayon kay Foreign Ministry spokesperson Tahir Andrabi, “Wala pang breakthrough o breakdown sa unang round ng usapan noong Abril 12 sa Islamabad.” Dagdag pa niya, nananatiling sensitibong paksa ang nuclear issues.

Tinaguriang “Islamabad Process” ang serye ng pagbisita ng mga civilian and military leader ng Pakistan sa rehiyon upang ipakita na tuloy-tuloy ang diplomasya.

--Ads--

Dumating si Prime Minister Shehbaz Sharif sa Doha bilang bahagi ng apat na araw na regional tour na nagsimula sa Jeddah at susunod sa Antalya.

Samantala, dumating sa Tehran si Chief of Defence Forces Asim Munir kasama ang Interior Minister Mohsin Naqvi, at mainit na sinalubong ng Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi.

Ayon kay Reza Amiri Moghadam tanging sa Pakistan lamang handang makipag-usap ang Tehran sa Washington dahil sa tiwala nila sa Islamabad.

Ang tigil-putukan na itinaguyod ng Pakistan ay nakatakdang magtapos sa Abril 22. Bagama’t nananatili, ito ay nasa ilalim ng matinding pressure dahil sa naval blockade ng US sa mga pantalan ng Iran. Gayunman, inaasahan ng ilang eksperto na ito ay palalawigin.

Optimistiko rin ang mga pahayag mula Washington at Tehran. Sinabi ng White House na “malamang” magpapatuloy ang usapan sa Islamabad, habang kinumpirma ng Iran na patuloy ang palitan ng mensahe sa pamamagitan ng Pakistan.