Pumalag ang aktres na si Rica Peralejo sa planong ipatupad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na paglalagay ng registration seal sa online platforms ng mga content creator at iba pang digital earners.
Sa kaniyang post sa Threads, sinabi ni Peralejo na nagbabayad na siya ng buwis mula nang magsimula siyang umarte sa edad na 13 anyos.
Kinuwestiyon ng aktres kung bakit kailangan pa niyang magpakita ng registration seal gayong matagal na siyang sumusunod sa obligasyon bilang taxpayer.
Ayon kay Peralejo, mas katanggap-tanggap sana ang naturang hakbang kung hindi umano ninanakawan ng mga tiwaling opisyal ang mga Pilipino.
Ipinahayag din niya ang pagkadismaya sa pagtatakda ng deadline para maipaskil ang registration seal sa kanilang mga online platform, na aniya ay nakakainsulto sa gitna ng mga isyu ng korapsyon sa pamahalaan.
Saklaw ng planong ipatupad ng BIR ang mga online seller, freelancer, propesyonal, vlogger, influencer at iba pang kumikita sa pamamagitan ng digital platforms.











