--Ads--

Nag uwi ng bronze medal para sa Pilipinas si Albert Ian Delos Santos matapos ang impresibong performance sa men’s 70-kilogram weightlifting event ng 2026 Asian Games sa Japan.

Nakabuhat si Delos Santos ng kabuuang 324 kilograms, mula sa 141 kilograms sa snatch at 183 kilograms sa clean and jerk.

Nagtala rin siya ng bagong junior world at Asian record sa kanyang total lift, habang bagong junior world at Asian record din ang 183 kilograms niyang clean and jerk.

Nalagpasan ni Delos Santos ang Uzbekistan’s Adkhamjon Ergashev sa laban para sa bronze matapos mabigo itong maiangat ang 181 kilograms sa kanyang huling attempt.

--Ads--

Samantala, ginto ang nasungkit ni North Korea’s Ri Won Ju na may kabuuang 349 kilograms, habang silver naman si Japan’s Miyamoto Masanori na may 342 kilograms.