--Ads--
Nabigo ang tambalang sina Filipina tennis star Alex Eala at ATP world no. 4 Felix Auger-Aliassime na makausad matapos silang talunin nina Gaël Monfils at Elina Svitolina sa first round ng 2026 US Open Mixed Doubles Championships.
Nagtapos ang laban sa iskor na 1-4, 1-4 pabor kina Monfils at Svitolina.
Sa kabila ng pagkatalo sa mixed doubles, nakatakda namang sumabak si Eala sa women’s singles competition ng torneo.
Kabilang din ang Pinay tennis sensation sa mga lalahok sa Stars of the Open exhibition event na gaganapin sa Agosto 27.
--Ads--











