--Ads--

Nakuha ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala ang No. 17 seeding sa US Open, ang pinakamataas niyang ranking bilang seeded player sa isang Grand Slam tournament.

Batay sa inilabas na women’s singles draw nitong madaling araw ng Biyernes, makakaharap ni Eala sa first round ang isang player mula sa qualifying tournament.

Ang world No. 18 na si Eala ay dating naging No. 29 seed sa Wimbledon. Hindi naman siya seeded sa French Open at Australian Open ngayong taon.

Hihintayin pa ni Eala ang magiging resulta ng qualifying tournament bago malaman ang kanyang unang makakalaban.

--Ads--

Kapag nakalusot sa opening round, makakaharap niya ang mananalo sa laban nina Oleksandra Oliynykova at Reese Brantmeier.