--Ads--

Umabante si Filipina tennis star Alex Eala sa Round of 16 ng Canadian Open matapos talunin ang Amerikanang si Caty McNally sa kanilang Round of 32 match.

Naitala ni Eala ang 6-3, 5-7, 6-4 na panalo sa mahigit dalawang oras na bakbakan sa Center Court upang maipagpatuloy ang kanyang impresibong kampanya sa torneo.

Maganda ang naging simula ni Eala matapos angkinin ang unang set, ngunit nakabawi si McNally sa ikalawang set upang maitabla ang laban.

Sa deciding set, muling ipinakita ng 21-anyos na Pilipina ang kanyang katatagan at composure upang makuha ang mahahalagang puntos at tuluyang maiselyo ang panalo.

--Ads--

Dahil sa tagumpay, umusad si Eala sa Round of 16 kung saan makakaharap niya ang susunod na kalaban sa pagpapatuloy ng prestihiyosong torneo.