--Ads--

Pasok sa ikalawang round ng Italian Open si Pinay tennis star Alex Eala matapos niyang talunin si Magdalena Frech ng Poland sa tatlong sets, 6-0, 3-6, 6-4.

Maganda ang naging simula ni Eala sa unang set, ngunit nakabawi si Frech sa ikalawang set. Sa deciding set, mas tumibay ang laro ng 20-anyos na Pinay upang makuha ang panalo.

Humanga naman si Frech sa ipinakitang galing ni Eala, at kinilala ang husay nito sa laban.

Sa susunod na round, makakaharap ni Eala ang World No. 33 na si Wang Xinyu ng China, na may bye sa unang round.

--Ads--