--Ads--
Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Singapore Open.
Ito ay matapos na talunin siya ni Tatiana Prozorova ng Russia.
Umabot sa tatlong set ang laban kung saan unang nakuha ng Russian player ang panalo 6-4 habang nakabawi si Eala sa second set 7-5 at pagpasok ng ikatlong set ay nadomina ni Prozorova sa score na 6-3.
Susunod na makakaharap ni Prozorova si Wang Xinyu ng China para sa quarterfinals.
--Ads--
Susunod naman na laban ni Eala ay sa Asian Games kung saan inirepresenta niya ang Pilipinas.











